Naisalin Ba Ang Ating Saligang Batas

Ayon sa Artikulo 14, Seksyon 8 ng ating 1987 Konsitusyon na ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa wikang Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Subalit isinabatas ang kautusang ito ay hindi pormal na nagawa ang pagsasalin ng Konstitusyong ito sa mga wikang panrehiyon, sa madaling salita ay walang opisyal na papel ang nagpapatunay na mayroong pagpapahayag ng 1987 Konstitusyon sa mga wikang panrehiyon.

Ngunit noong taong 2015 ay pormal na iminungkahi ni Senador Loren Legarda ang pagsasalin ng Konstitusyon sa wikang Kastila, Arabic, Filipino, at maging sa mga pangunahing wikang panrehiyon, na nakapaloob sa hinain niyang Senate Bill 2862.

“The Constitution, being the highest law of the Philippines where the fundamental rights of the people and the form and structure of government are basically contained, must be understood by the ordinary people in his own language and dialect,”  ani ni  Sen. Loren Legarda (2015).

Sa ilalim ng bill na ito ay inaatasan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na siyang mangangasiwa sa mga hakbang ukol sa pagtatatag at pagsasalin ng konstitusyon sa mga pangunahing wika ng bansa.


Leave a comment