About

Ang blog na ito ay binubuo ng anim na tao. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang trabaho at esensyal sa pagbuo ng mga artikulong ilalathala.

Ang mga sumusunod ay mga miyembro nito:

13492941_1217851151559098_496563575_n

Siya ay si Petr Niro Serrano Mabanglo, isang Greyd 11 na mag-aaral ng Ang Quantum Academy, Inc. Isang labimpito taong gulang binatilyo , siya ay isang masipag, matiyaga at sa lahat lundong uring tao na may ugaling palatanong sa lahat ng bagay natatagpuan niya. Isa siyang honor student na mahilig sumulat, magtalumpati, mag laro ng sports at e-sports, at magbasa ng mga artikulo. Naniniwala siya sa kasabihang: “Nothing worthwile is easy, and nothing easy is worthwhile. Stay determined.”

13510636_1370661626282185_1218542895_n

Si Darrelle B. Gozalo ay isang masipag at mabait na estudyante. Nasa ika-labing isang baitang ng STEM at siya’y labing pitong taong gulang. Ang kanyang paboritong pampalipas oras ay ang magbasa ng mga nobelang nakakapagpa-andar ng kanyang imahensyon, mahilig rin siyang manood ng mga pelikulang sci-fi at romcom, at kumain ng matatamis. Hilig niya ring magbisikleta at pagmasdan ang paglubog at pagsikat ng aral. Matayog ang kanyang mga pangarap sa buhay at  nais niyang  makita ang buong mundo at makakilala ng iba’t ibang tao.

13493009_1217838661560347_261151216_n

Si Aurora Angeline A. Palma o mas kilala bilang “Aurine” ay labing-anim na taong gulang at nasa ika labing-isang baitang na sa The Quantum Academy, Inc. Siya ay mahilig sa musika at sports. Magaling siya sa pagsasayaw at pagkanta ngunit di niya maipakita dahilan ng nahihiya siyang gawin ito sa harap ng maraming tao.

image

Ang pangalan niya ay Jan Stephon Andre S. Tan, isang mag-aaral ng The Quantum Academy, Inc. Siya ay isang labing anim na taong gulang na binatilyo na mahilig maglaro ng basketball at isang honor student . Siya ang tipong lalaking masunurin at magalang sa kaniyang mga magulang. Naniniwala siya sa kasabihan na ipinahayag ni Mandy Hale na “Never stop Trying. Never stop Believing. Never Give Up. Your day Will Come!”

Processed with VSCO

Ang pinakabata sa grupong ito ay si Ma. Mykaella D. Sta.Ana, siya ay labing limang taong na gulang. Si Mykaella o Kaella ang Layout Artist ng grupong ito at siya din ang gumuhit ng logo ng Agilathala. Simula pa man noong pagkabata niya, mahilig na siyang gumuhit ng mga karakter tulad ng mga prinsesa ng Disney at anime. Isa rin siya sa mga mag-aaral ng baitang 11 sa STEM. Minsan ay hilig niya ring kumanta at sumayaw, nag-aalaga ng kanyang mga alagang aso. Nais niyang makapagtapos sa pag-aaral at maabot ang kanyang pinapangarap na buhay.

Siya si Jan Franz Reginio Tacuyan, isang mag-aaral nang The Quantum Academy Inc. Siya ay 15 na taong gulang, mahilig siya kumanta, dahil dito siya ay naging bise-presidente nang Quantum Choir Association. Siya rin ay aktibo sa mga social media sites tulad nang twitter at instagram. Kung nais niyong masundan siya sa kanyang social media sites ito ang kanyang username: @indigoxxld