Instrumental– Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag- ugnayan sa iba.
Mga Halimbawa:
Patalastas
Regulatoryo– Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
Mga Halimbawa:
Pagbibigay ng panuto ng guro
Guro: “Sa isang buong papel, sagutan ang pahina apat. Isulat lamang ang titik nang tamang sagot.”
Mga estudyante: “Opo, ma’am.”
mga babala
Interaksiyonal– Ang tungkulin ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
Mga Halimbawa:
Pick-up lines
pakikipagbiruan
Personal– Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Mga Halimbawa:
Mga talaarawan
Heuristiko– Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Mga Halimbawa:
Interbyu Pagbabasa ng magasins o mga pahayagan
Panonood ng Telebisyon
Impormatibo– Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita.
Mga Halimbawa
Pagtuturo Panayam